Tuesday, January 8, 2019

Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata


Resulta ng larawan para sa child with mama and papa clipart
Isang sa mga mahahalagang ipinagdidiriwang sa buwan ng Nobyembre ang Children's Month Celebration. Ang nasabing tema sa taong ito ay "Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata."

Ang pagkakaroon ng isang pamilya ay isang napakalaking pagpapasiya gunit ang pag-aanak ay isang panibagong malaking hamon sapagkat kalakip nito ang napakaraming responsobilidad na kabalikat ng bawat mga magulang. Ang siyam na buwan  na pagdadalang-tao ng isang ina ay puno ng maraming pisikal, mental at pinansyal na pagsubok. Ngunit sa paglago ng panahon habang lumalaki ang isang bata, ay nangangailangan ito ng sapat na atensiyon at oras mula sa mga magulang. Responsibilad ng isang nanay at tatay ang tamang pag-aaruga sa anak sa ng walang pinipiling panahon. Walang bawian ang sitwasyong ito. Hindi ito parang pagsubo lamang ng kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo na lamang ng basta-basta. Susubukin nito ang haba ng pagtitiyaga at pagtittis  ng isang tao nang walang kapalit na sahod. Nagsisimula ito sa tamang nutrisyon ng bata sa pamamagitan ng pagpapakain sa bata ng mga masusustansiyang pagkain tatlong beses sa isang araw. Karapatan rin ng isang bata ang makapaglaro at makisalamuha sa ibang tao upang malinang ang kaniyang kakakyahang makipagkomunikasyon. Kakailanganin nito ang magkatuwang na pwersa ng isang ama't ina upang mapalaking mabuti ang ang anak. Nararapat na magsimula  sa tahanan ang tamang edukasyon, asal at disiplina. Hindi dapat idaan sa pananakit ang pagdidisiplina sa mga bata upang ito'y hindi magdulot ng labis na takot sa mga bata.

 Kung ang isang bata ay magagabayan nang may disiplina at prinsipyo, siya ay lalaking isang mabuting mamamayan ng ating bansa. Kung kaya't nakabatay sa tamang pag-aaruga ang  kaunlaran at kahihinatnan ng isang bansa.





References:
Google Images:
https://previews.123rf.com/images/yoshidaakiko1223/yoshidaakiko12231805/yoshidaakiko1223180500008/102125998-papa-of-pop-glasses-and-shortcut-mama-and-girl-smile-indoors.jpg
https://brainly.ph/question/1863227


1 comment:

  1. Ang isang bata ay tunay na nangangailangan ng tamang paggabay mula sa kaniyang mga magulang. Napakagandang sanaysay, Median!

    ReplyDelete

Reflection

In just a few weeks, my highschool journey will end. Its finally here. The day we’ve all been anticipating. After 4 years of earspl...