Monday, November 19, 2018

Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan ng Pamilya at Kapwa


Resulta ng larawan para sa gadgets

Sa kasalukuyang panahon kung saan tayo ay nabubuhay sa ika- 21 na siglo, hindi na natin maipagkakaila na malaki na ang iniunlad ng ating teknolohiya. Ito'y ay isang patunay na talaga namang malaki na ang agwat ng nakaraan sa kasalukuyan. Isa na rito ang mabilis na pag-usbong ng mga iba't ibang klase ng gadgets. Mga gadgets na dala- dala natin saan man tayo magpunta.

Sa henerasyong aking kinabibilangan kung saan ako'y isa sa mga tinatawag nilang kabataan, aminado ako na naging malaki na ang ginampanang parte ng teknolohiya sa aking pang-araw araw na pamumuhay. Sapagkat sa makabangong panahon na sumisibol ay may napakalaking pagbabago buhat sa dating pamumuhay dahil ang dating mahirap at mabibigat na gawain, pinapagaan ito ng makabagong gadgets na unti-unting umuusbong. Idagdag pa na dulot ng mga gadgets ang mga libangan gaya na lamang ng social media na nagsisilbing tambayan ng mga kabataan. Na kung minsa'y dulot nito ay kapahamakan na kinasasadlakan ng mga kabataang tinagurian pa namang pag-asa ng bayan. Kagaya na lamang ng mga kabataang mga hubad na larawan ang siyang ipingangalandakan, pati ang pakikipag away sa social media'y nagsisilbing tanghalan. Pati mga fake news ay kaagad na pinaniniwalaan nang wala man lang matibay na basehan. Sa oras na maling gawi ang pinanggamitan, maaring may masama itong idudulot na makaaapekto ito sa ating lahat at di lamang sa iilan. Isa pa rito ay ang pagkawala ng oras para sa Diyos, sa pamilya, at sa kapwa. Minsan nga tuwing weekends, nasa loob na lamang ng apatna sulot ng kwarto. Nagmumokmok sa kapapanuod ng Youtube at kakatingin sa facebook. Imbes sana na gawin ito, bakit 'di na lang makisalamuha sa iba'y ating bigyang subok? Buong maghapon sa kapapanood ng inaabangang k-drama, imbes sana na requirement ay tapusin nang sa gayo'y di mahuli sa pagpasa. At higit sa lahat, sa loob ng simbahan puro cellphone ang gamit imbes sana na mga salita ng Diyos ay isapuso't isaisip. 

Lahat ng bagay dito sa mundo'y may magaganda't masasamang epekto. Ang mga gadgets na ating kinahuhumalinga'y hindi natin makakasama panghabang- buhay. Kung kaya naman tayo na't kumilos ng wasto sa mga masasamang dulot ng gadgets 'wag papaapekto. 

References:
Google Image- http://www.atjapa.com/wp-content/uploads/2017/01/gadgets-in-hand-1000x500.jpg

No comments:

Post a Comment

Reflection

In just a few weeks, my highschool journey will end. Its finally here. The day we’ve all been anticipating. After 4 years of earspl...