Monday, August 6, 2018

Filipino: Wika ng Saliksik



Image result for buwan ng wika 2018
     

          Ang  Buwan ng Wika ay isang selebrasyon o  pagdiriwang na ginaganap sa Pilipinas taon- taon tuwing buwan ng Agosto. Ito ay itinuturing na mas pinalawak na pagdiriwang ng "Linggo ng Wika". Idinadaraos itokadalasan sa loob ng paaralan sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay pagbigkas ng mga tula, pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga katutubong awit. 

        Ngayong taon,ang napiling tema ay "Filipino: Wika ng Saliksik". Maaaring marami sa atin ang hindi lubos na nakakaunawa sa temang ito. Marami sa mga milenyal ngayon ang tila nagmimistulang dayuhan sa sarili nilang wika. Mga milenyal na nagmistulang naging bihasa na lamang sa wikang "Ingles" dahil sa paniniwalang higit na nagmumukha kang matalino at may alam kapag ito ang gamit ng isang tao. Sa madaling salita, nagiging batayan ito ng katalinuhan. Isang paniiwalang kahit kailanma'y hindi magiging totoo. 
      
      Simulan natin ang pag-iintindi sa nasabing wika sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa mga bawat salita na nagamit sa tema. Una ang "Filipino". Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon. Pangalawa, ang "Wika". Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. At panghuli, ang "Saliksik". Ang katumbas nito sa Ingles ay Research. Kumbaga ang Saliksik   ay ang paghahanap nang puspusan sa isang bagay; Pagsisiyasat. Sa madaling salita, ipinapahiwatig ng tema na ang ating pambansang wika na Filipino ang nararapat nating gamitin sa pananaliks o pag-aaral.  

     Ninanais ng KFW na kilalanin ang wikang Filipino bilang midyum sa paghahanap. paglikha at pagpapalaganap ng mga bagong kaalaman. Sa paggawa ng Thesis, sa pagsulat ng sariling libro, sa paggawa ng blog, at sa pagtuturo sa Pilipinas hindi ba't mas maganda at mas dapat lamang na gamitin ang ating sariling wika? Ang ating wikang pambansa? 

    Maaaring ang katwiran ng iba ay dahil sa ang Ingles ang tinaguriang "Universal Language" ngunit kung ating lubos na uunawain, parang mas pinauunlad pa natin ang wika ng ibang bansa kaysa sasarili nating wika? 

        Ating wika nga ay  hindi natin magawang paunlarin. Paano pa kaya ang ibang aspekto gaya na lamang ng ekonomiya? Ang ating bansa? 

         Nawa'y huwag na nating hintayin na tayo'y tuluyan ng lamunin ng wikang Ingles. Atin ng simulan ang pagbabago sa sarili nating mga kamay. Halina't magsaliksik at mag-aral gamit ang sarili nating wika. Filipino! Ang ating wikang pambansa!
         
References:
 (Google Images) (https://3.bp.blogspot.com/-ZSEv02Ntkjc/Wz8n2toy5iI/AAAAAAAANRc/Bim-i9SQ7gIlfyCl7rRkBXKJhgmbpi9XwCLcBGAs/s1600/buwan-ng-wika-tema-2018%2BFilipino%2BWika%2Bng%2BSaliksik.png)
https://www.affordablecebu.com/buwan-ng-wika-theme-tema
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika

    

No comments:

Post a Comment

Reflection

In just a few weeks, my highschool journey will end. Its finally here. The day we’ve all been anticipating. After 4 years of earspl...